261

Jan 1, 2020 @ 15:08
By

Narco chairman niratrat sa simbahan

Sugatan ang isang barangay chairman na diumano ay sangkot sa iligal na droga at isa pang kasama nito matapos silang pagbabarilin sa harap ng simbahan sa Padre Garcia, Batangas, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Nelson Lique, barangay chairman ng Barangay San Francisco, Lipa City at si Roberto Lique.

Base sa imbestigayon, nasa parking lot ng Most Holy Rosary Parish sa Barangay Poblacion ang dalawa nang pagbabarilin ng tatlong gunman na sakay ng dumating na puting Ford Everest.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at sinugod sa hospital sa Lipa City.

Agad ding tumakas ang mga hindi nakilalang salarin.

Ayon sa pulisya, ang inambus na chairman ang ikasiyam sa talaan ng mga high value target drug personalit sa Calabarzon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?