220

By

Naputol na braso ng pasahero ng MRT, naidikit muli

Sharing is caring!

Matagumpay na naidugtong ng mga doktor ng Makati Medical Center ang naputol na kanang braso ng naaksidenteng babaeng pasahero ng MRT.

Ito ang ibinahagi ni Transportation Usec. Cesar Chavez na magdamag na nagbantay sa ospital kasama ang mag asawang Jose at Gloria Fernando, mga magulang ng biktimang si Angeline.

Sinabi pa ni Chavez na ang buto at mga ugat sa naputol na braso ay naidugtong din ng mga doktor at under observation si Angeline hanggang sa Biyernes.

Ipinarating na rin Chavez sa mag asawang Fernando na tutulong ang Department of Transportation sa mga gastusin ni Angeline sa ospital.

Dagdag pa ng opisyal, ilalapit din niya si Angeline sa ibang ahensiya ng gobyerno na maaring makatulong sa kanila.

Nabatid na ang 28-anyos na biktima ay naging scholar ng SM Foundation sa Asia Pacific College at nakapagtapos ng kursong BS in Information Technology.

Si Angeline, na nag iisang anak at breadwinner ng pamilya, ay nagtatrabaho bilang software engineer sa isang Makati-based IT company.

Kahapon, pasado alas-2 ng hapon, pagbaba ni Angeline sa Isang bagon ng MRT ay nahilo ito at nahulog sa riles kayat nakaladkad siya ng sinakyang bagon.

Madalas umanong bigla na lang nahihilo si Angeline kapag maraming tao ayon sa kanyang ina at bestfriend na agad din nagpunta sa ospital. (Pinggoy Romero/Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?