18

May 4, 2021 @ 9:42
By

Napuno na sa WPS issue! Duterte gustong suntukin si Del Rosario

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding pagkainis kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa paninisi sa kanya sa isyu sa West Philippine Sea at nagbantang susuntukin ito kapag nagkrus ang kanilang landas.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na pilit ipinapaako ni Del Rosario sa kanyang administrasyon ang kapalpakan nito sa mga nawalang teritoryo ng Pilipinas gayong sa termino nito nangyari ang insidente.

“Itong Albert na ito ako pa ang sinisisi, kung makita kita suntukin kita eh,” anang Pangulo.

Nagpanggap lamang aniya ang dating kalihim na pinong kumilos pero hindi siya nakumbinsi dahil sa mga ginawa nito habang nakaupo sa gobyerno.

“You know, Albert is pretending to be in public, noon ko pa nahalata yan. He acts like with finesse. Sinasadya niya. Parang a diplomat of the making of the century. Alam mo sa totoo lang hindi ako maniwala,” dagdag ng Pangulo.

Hindi rin nakaligtas sa inis ng Presidente si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na wala naman aniyang nagawa kundi pagyayabang lang.

” Huwag kayong maniwala sa dalawang yan, isang retired na, wala na yan. Anong nagawa mo pagka-Supreme Court? Hintuan mo na yang pagyayabang mo. Walang ginawa kundi magdaldal,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?