53

Jun 1, 2020 @ 13:22
By

Napuno na! Jordan sobrang galit sa George Floyd murder

Hindi na napigilan ng NBA GOAT na si Michael Jordan ang magsalita dahil sa nararanasan pa ring racism sa mga Black American.

Sa pahayag ni Jordan sa Twitter, sinabi nito na siya’y nasaktan at galit sa nangyayaring karahasan sa mga kapwa niya African American.

“I stand with those who are calling out ingrained racism and violence towards people of colour in our country,” ayon sa six-time NBA champion. “We have had enough.”

Gayunpaman, nanawagan si Jordan na itigil na ang karahasan sa mga protesta sa America, kung saan ilang mall ang sinunog at pinagnanakawan para maipakita ang galit sa gobyerno ng USA.

“We must listen to each other, show compassion and empathy and never turn our backs on senseless brutality,” saad ni Jordan. “We need to continue peaceful expressions against injustice and demand accountability.”

Sa ngayon ay kinasuhan na ng third degree murder at second degree manslaughter si Derek Chauvin, ang pulis na nakapatay kay George Floyd matapos itong hindi makahinga sa pagpatong ng tuhod ng pulis sa kanyang leeg.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?