944

By

Napuno na ako! Buong admin section ng Customs sinibak ni Duterte

Siniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na inalis niya lahat ng empleyado ng administrative section ng Bureau of Customs dahil sa korapsyon.

“Yesterday, tinanggal ko sa trabaho [ang] entire administrative section sa Customs. Tinanggal ko silang lahat. Sixty-four of them,” sabi niya.

Pero hindi aniya kasama sa sinibak si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

“Galit talaga ako sa corruption. ‘Yang Customs na ‘yan sabi nila hindi maputol-putol, napuno na ako. Sabi ko hindi na talaga mahinto ang p*** inang ‘to umalis kayong lahat,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?