531

Sep 10, 2019 @ 18:28
By

Napoles sa Sandiganbayan: Jinggoy, main plunderer bakit nakalaya?

Kinuwestiyon ni pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles ang pagpayag na magpiyansa si dating senador Jinggoy Estrada kung ito umano ang main plunderer.

Tinanong ito ni Napoles sa Sandiganbayan matapos ibasura ang petisyon niyang ma-dismiss ang plunder case niya kasama si Estrada.

Giit ng kampo ni Napoles, dapat mabasura ang plunder case dahil hindi natukoy sa complaint kung sino ang main plunderer.

Tugon naman ng Sandiganbayan Fifth Division, hindi na kailangan pang ma-identity ang main plunderer sa kaso na kinasasangkutan ng public official dahil awtomatiko itong ang public official.

Nakapagpiyansa umano si Estrada dahil nabigo ang prosecution na tukuyin ito bilang main plunderer.

Ginamit namang halimbawa ng Napoles camp ang kaso ng plunder ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ni-require ng korte ang identification ng main plunderer dahil lahat ng sangkot ay government official.

Samantala, ni-reset na ang plunder trial kina Napoles at Estrada sa Oktubre 7 dahil sa naka-pending na motions for reconsideration ng dalawa sa binasurang demurrers to evidence nila.

Magugunitang kinasuhan si Napoles dahil sa pagbibigay ng P55.79 million kickbacks kay Estrada matapos ilagak ng dating senador ang bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund sa mga bogus na foundation ng una.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?