3,089
danilo-suarez
By

Napoles pork barrel scam, barya lang kumpara sa flood control scam – Suarez

Sharing is caring!

“Petty cash” lang umano ang pork barrel scam ni Janet Lim Napoles kung ikukumpara sa flood control scam sa ilalim ng liderato ni Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, masyadong maliit ang P10 bilyon kung ikukumpara sa P332 bilyon na pinag-uusapan sa flood control.

“Petty cash ‘yung kay Napoles,” ani Suarez.

Kinuwestyon naman ni House Deputy Minority Leader Lito Atienza ang biglang paglobo ng mga alokasyon ni Diokno para sa flood control projects.

“It (flood control) will be a bigger source of corruption than
Napoles,” sabi ni Atienza.

“Ano ang priorities ni Secretary Diokno? Bakit bigla na lang all of
a sudden ngayon namaga ang flood control projects? Kapuna-puna ito na maglalagay ng isang backhoe, ‘yung backhoe tatagal din ng isang taon kinakalawang na hindi gumagalaw. Magde-deliver ng mga apat, limang malalaking concrete pipes bubungkalin ang area hindi gagalaw,” dagdag ng kongresista.

Una rito, inakusahan ni House Majority Leader Rolando Andaya si Diokno na nagsingit ng bilyones na pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways nang hindi nalalaman ni Sec. Mark Villar.

Mariing itinanggi naman ng Budget secretary ang P332 billion flood control projects scam na tinawag nitong iresponsable at misleading. (pearl serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?