35
janet-napoles
Mar 16, 2018 @ 18:13
By

Napoles, nagpapalipat na sa DOJ custody

Hiniling ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan na mapailalim na siya sa kustodiya ng Department of Justice (DOJ) matapos siyang tanggapin sa Witness Protection Program (WPP).

Sa 3-pahinang urgent motion, hinimok ni Napoles ang anti-graft court na ilipat siya sa DOJ mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa.

“[Napoles] has been provisionally covered by the Witness Protection Security and Benefit Program effective February 27, 2018,” ayon sa kampo ni Napoles.

Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong dahil sa patong-patong na kasong plunder, graft at malversation.

Kapwa akusado ito sa kaso nina Senators Jinggoy Estrada, Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Juan Ponce Enrile.

Iginiit ng kampo ni Napoles na mahalagang maaksyunan agad ang petisyon nito dahil sa umano’y natatanggap na harassment at death threats.

“There were recorded incidents of harassments, intimidation and threats on her life and security, which could be avoided of the DOJ-WPP would be allowed to perform its mandate to protect accused-movant, as a covered witness,” saad sa mosyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?