65
Abante-TnT--Napoles
Jan 4, 2019 @ 17:08
By

Napoles ililipat ng kulungan – Sandiganbayan

Pinanindigan ng Sandiganbayan First Division ang naunang utos para ilipat si Janet Lim Napoles sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Ibinasura ng korte ang urgent motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Napoles na humihiling na hayaan na lamang siyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Si Napoles ay napatunayang guilty sa kasong plunder at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pork barrel scam.

Sa kanyang apela noong Disyembre 28, sinabi ni Napoles na depektibo ang mittimus o ang transfer order ng korte dahil kinilala doon si Associate Justice Edgardo Caldona bilang chairman ng dibisyon gayung dapat ay si Justice Efren dela Cruz.

Pero ayon kay dela Cruz, walang problema sa mittimus dahil mayroong internal rules ang korte na kung wala ang chairman ay maaaring pumirma ng order ang mga junior member.

Ayaw magpalipat ni Napoles sa CIW dahil mayroon umanong banta sa kanyang buhay doon, bagay na hindi nakitaan ng merito ng korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?