5
janet-lim-napoles
By

Napoles iaapela ang hatol na guilty sa plunder case

Sharing is caring!

Hindi ikinatuwa ng kampo ni Janet Lim Napoles ang hatol na guilty ng Sandiganbayan sa kanyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon sa abogadong si Stephen David, hindi kapani-paniwala ang desisyon ng 1st Division dahil hindi umano puwedeng i-convict ng plunder si Napoles dahil isa itong pribadong indibiduwal.

Hindi rin umano nagkakalayo ang mga ebidensya nina Napoles at dating senador Bong Revilla, na napawalang-sala sa plunder case, dahil pareho lang ang kanilang kasong kinakaharap.

Kanina iniutos na ng anti-graft court ang paglilipat kay Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Mayroong 15 na araw si Napoles para iapela ang desisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?