11
janet-napoles

Napoles, humirit na maabsuwelto sa Malampaya fund scam

Sharing is caring!

Ipinababasura ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan ang kinakaharap na mahigit isang daan na kasong kriminal kaugnay sa P900-million Malampaya fund scam.

Nakasaad sa 21-pahinang motion to quash, iginiit ng kampo ni Napoles na bilang pribadong indibidual, hindi siya maaring kasunan ng 97 na bilang ng kasong graft at complex crime of malversation through falsification.

Iginiit ni Napoles na walang ebidensya na magpapatunay na nakipagsabwatan siya sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Napoles, ang mga nararapat kasuhan ay sina Benhur Luy, Merlina Suñas at Marina Sula, mga dati niyang empleyado na naging whistleblower.

Samantala, tinutulan ng Office of the Ombudsman ang mosyon ni Napoles sa Sandiganbayan Third Division.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na dapat ituloy ang kaso laban kay Napoles dahil sa paggamit ng kanyang mga pekeng non-government organization upang daluyan ng pondo para sa ipatutupad umano na livelihood projects.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?