342

By

Napoles, Cambe kulong panghabambuhay

Sharing is caring!

Hinatulan ng reclusion perpetua sina pork barrel fund scam mastermind na si Janet Lim Napoles at dating chief of staff ni Bong Revilla Jr. na si Richard Cambe.

Sa naging promulgation ng kanilang kaso, napawalang-sala naman si dating Senador Bong Revilla Jr. sa kasong plunder, na matatandaang nasangkot sa PDAF scam kasama ang dalawa pang dating mambabatas na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Bagama’t not guilty si Revilla, pinababalik pa rin sa kanya, kasama sina Napoles at Cambe na isauli ang P124M sa gobyerno.

Si Revilla ay naugnay sa pork barrel scam dahil inakusahan ng pagkamal ng P224.5M galing sa kanyang pork barrel, na dinaan umano sa mga pekeng non-government association ni Napoles.

Walang naging unanimous decision sa pagitan ng tatlong hukom sa Sandiganbayan First Division kaya’t nakakuha ng not guilty verdict.

Ang nasabing hatol ay final at executory na matapos hindi na utusan ni ni Ombudsman Samuel Martires ang mga prosecutor na huwag nang mag-apela sa naging hatol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }