81
janet-lim-napoles
By

Napoles ayaw magpalipat ng kulungan

Nakiusap sa Sandiganbayan First Division ang na-convict na si Janet Lim Napoles na manatili sa Bureau of Jail Management and Penology detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Isinampa ng kanyang abogado na si Erwin Legaspi ang ‘very urgent motion for reconsideration’ kaugnay ng utos ng korte na ilipat siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Paliwanag sa mosyon ng kanyang kampo, delikado ang seguridad ni Napoles sa CIW kumpara sa BJMP dahil sa kanyang kaugnayan sa ilang mga matataas na tao sa pork barrel scam.

“This plea is in light with the development of her entire cases which greatly affect her life and security. Her cases are considered high-profile due to involvement of high-ranking public officials.”

Dati nang nanatili si Napoles sa CIW matapos ma-convict sa kasong serious illegal detention kay whistleblower Benhur Luy ngunit napawalang-sala din matapos bawiin ng Court of Appeals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?