37

Apr 21, 2021 @ 19:28
By

Napolcom hahalukayin pagkamatay ng ‘hinalay’ ng 11 pulis Cebu

Pinaiimbestigahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella sa National Police Commission (Napolcom) ang diumano’y insidente ng panghahalay ng 11 pulis mula sa Barangay Sawang Calero.

Ito ay matapos mamatay ang biktimang si Ritchie Nepomuceno noong Abril 19.

Ilang oras matapos ang pagpatay kay Nepomuceno ay nagbaril sa sarili ang isa sa tinaguriang “Sawang Calero 11” na si Police Staff Sergeant Celso Colita.

Tiniyak naman ni Labella sa pamilya ni Nepomuceno na tutulungan ang mga ito para sa pagpapalibing at paghahanap ng hustisya para sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?