22

Oct 11, 2021 @ 16:25
By

Napinsala sa pagliyab ng MRT 3 umakyat sa 8

Umakyat na sa walong katao ang naitala ng nagtamo ng pinsala sa katawan matapos lumiyab ng bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong Sabado ng gabi.

Ani MRT3 Director for Operations Michael Capati, nagkaroon ng pasa ang iba samantalang nadulas naman ang iba pang pasahero.

“‘Yung iba nagkaroon ng konting bruises tsaka natapilok, but the rest wala naman pong na-injure dito sa sunog natin, at ito naman po ay dadalhin natin sa depot para malaman natin kung ano ‘yung cause,” wika niya sa isang panayam.

Batay sa ulat ng GMA News, isa sa mga naitalang injured ang isang 4 na buwang nagdadalang taong ginang.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng MRT3 at ng maintenance provider na Sumitomo ang nagyaring insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?