85

Dec 4, 2021 @ 14:49
By

Napilitan magpaturok! ‘Pekeng braso’ ng kelot nabuking

Isang lalaki sa Italy na ayaw magpaturok ng COVID vaccine ang nagpagawa ng silicone prosthetic arm para doon iturok ang bakuna sa kanyang naisin na magkaroon ng pribilehiyo na ibinibigay lamang sa mga bakunado.

Ayon sa ulat ng The Guardian, 50-anyos na ang lalaki na nagpagawa ng pekeng braso.

Napagdesisyunan umano nito na magpaturok ng COVID vaccine dahil ang mga bakunadong indibidwal lamang sa naturang bansa ang maaaring dumalo sa iba’t-ibang aktibidad.

Ngunit dahil ayaw talaga niya sa COVID vaccine, nagpagawa ito ng silicone prosthetic para dayain ang vaccinator.

Hindi pa naman malinaw kung buong braso o balat lang na ipinatong ang silicone na pinagawa ng lalaki.

Sa kasamaang-palad, hindi nakalusot ang kanyang modus sa vaccinator.

“I felt offended as a professional,” pahayag ng vaccinator. “The colour of the arm made me suspicious and so I asked the man to uncover the rest of his left arm. It was well made but it wasn’t the same colour.”

Dugtong pa niya, sinabihan pa siya ng lalaki na ‘wag na lang pansinin ang pekeng braso, para mabigyan siya ng vaccination card.

Nahaharap ngayon ang lalaki sa kasong fraud.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?