23

Oct 11, 2017 @ 15:19

Napikon sa bilyar, nanaksak

Nagtatago ngayon ang isang pahinanteng Muslim matapos manaksak nang matalo sa larong bilyar noong Marte ng gabi sa Marikina City.

Agad na tumakas ang suspek na nakilalang si Hadjie kim Jomoc, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Tumana.

Kritikal naman ang biktima na si Arvin Catiang, nasa hustong gulang at residente rin  ng Barangay Tumana matapos mapuruhan ng saksak sa likuran.

Batay sa report, naganap ang pananaksak bandang ala-5:45 kamakalawa ng hapon sa loob ng isang Billard Hall sa Ampalaya St. Tumana, Marikina City nang mapikon ang suspek dahil sa pagkatalo nito sa bilyar.

Lumabas umano ang suspek at pagbalik ay agad na nilapitan ang biktima sabay unday ng saksak sa likod.

Kasaluluyang nagsasagawa ng follow up ang Marikina police. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?