229
napeñas
Jan 25, 2018 @ 16:40
By

Napeñas, handang makulong kung mapatunayang nagkasala sa SAF 44

Nanindigan pa rin si dating Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) chief retired Police Director Getulio Napeñas na wala siyang kasalanan sa palpak na Mamasapano, Maguindanao operation noong 2015 na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP-SAF.

Ayon kay Napeñas, balewala sa kanyang mabilanggo kung talagang may kasalanan siya sa pangyayari.

Ngunit iginiit niyang sumunod lamang siya ipinag-utos noon ng dating Pangulo na si Benigno Aquino III.

Nahaharap ngayon sina Napeñas at Aquino sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at usurpation of official function sa ilalim ng Article 177 sa Sandiganbayan.

Samantala, patuloy na umaasa ang mga pamilya ng SAF 44 na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaanak sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw, sa Day of National Remembrance for the SAF 44, sinabi ni Julie Cayang, ang biyuda ng isa sa SAF 44, na bukod sa pagkilala ni Pangulong Duterte sa kabayanihan ng mga namatay, gusto aniya nilang mapanagot ng Pangulo ang mga may sala dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?