40

Sep 7, 2021 @ 19:45
By

Napatay na Chinese sa drug ops walang koneksiyon sa PSG

Nilinaw ng Presidential Security Group (PSG) na walang koneksiyon sa kanila ang isa sa apat na Chinese national na napatay sa isang anti-drug operations sa Candelaria, Zambales na nakasuot ng polo shirt at may logo ng PSG.

Sinabi ni PSG Chief Colonel Randolf Cabangbang na hindi miyembro ng PSG ang napatay na Chinese.

Batay aniya sa ginawa nilang beripikasyon, walang koneksiyon ang napatay na suspek sa organisasyon.

“Per verification from our Intelligence Staff, said person wearing the polo shirt with PSG seal is not in any way connected with PSG. Definitely, he is not a member of PSG,” ani Cabangbang.

Hindi aniya uniporme ng PSG ang suot ng napatay na drug suspect at nabibili lamang ito sa military supply shop.

Tiniyak ni Cabangbang na kaisa ang PSG sa kampanya laban sa iligal na droga at napapanatili ang pinakamataas na disiplina at ethical standards sa kanilang hanay.

“This Command assures the public that we maintain the highest form of discipline and ethical standards and is one with the government in its anti-drug war campaign,” dagdag ni Cabangbang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?