551

Feb 16, 2020 @ 18:27
By

Napatakip ng bibig! Pia ginulat ni Kai

Nagpakita ng angking galing si Kai Sotto kay Pia Wurtzbach sa kanilang pagkikita sa 2020 NBA All-Star sa Chicago nitong Linggo, oras sa Pilipinas.

Sa Instagram story ni Pia, makikita kung papaano tinapos ni Kai ang alley-oop pass ng 2015 Miss Universe titlist.

Kaya naman napatakip ng bibig si Pia dahil nakita in person kung anong kayang gawin ni Kai sa court.

Nasa All-Star event si Kai bilang parte ng Basketball Without Borders camp, habang tinapik naman si Pia bilang special reporter para sa nasabing event para irepresenta ang Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?