195

Jul 24, 2021 @ 10:52
By

Napasok ng Delta variant: 2 subdivision sa Bacoor ni-lockdown

Inilagay sa granular lockdown ang dalawang subdivision sa Bacoor City, Cavite matapos makapagtala ng dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Kahapon ipinag-utos ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla ang lockdown nang mabatid sa Department of Health na may tig-isang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa BF El Grande Subdivision sa Barangay Molino VI at Addas 2C Subdivision sa Molino II.

Tatlong araw iiral ang lockdown habang nagsasagawa ng contact tracing.

Bawal lumabas ang mga residente ng nasabing mga subdivision mula July 24 hanggang July 26.

Makakatanggap naman aniya ng tulong mula sa City Welfare Office at General Services Office ang mga residenteng apektado.

Sa ngayon, 470 ang aktibong COVID case sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?