97

Dec 21, 2019 @ 14:12
By

Napaslang na 2 NPA leader, target patayin si Duterte – Año

Nilahad ni Interior Secretary Eduardo Año na parte ng isang special team ng New People’s Army (NPA) ang dalawang napatay na rebel leader sa Quezon City.

At ang misyon umano ng special team na ito ay patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sina Eleuterio Agmaliw at Freddie Daileg ay ang dalawang nakipagputukan sa awtoridad matapos silbihan ng arrest warrant dahilan para mapatay ang mga ito.

Napatay din ang isang Lucio Carbonel, na sinasabing may-ari ng safe house sa Novaliches at nagsilbi umanong contact ng mga NPA dito sa Metro Manila.

Nakita sa mga rebelde ang tatlong baril kasama ang isang M16 rifle at granada.

“These NPA leaders are part of the special teams directed by the CPP leadership to assassinate senior government officials that include the President. But we got to them first and we will not stop until every one of them is arrested and brought before the bar of justice,” ayon kay Año.

Dati nang binunyag ni Maj Gen Antonio Parlade Jr na may hit list ang Communist Party of the Philippines para paslangin ang ilang government official tulad nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., National Commission on Indigenous People’s chairman Allen Capuyan, at si Año.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?