8

Jul 27, 2020 @ 10:43
By

Napakapit sa live wire, lineman patay

Patay ang lineman ng Cagayan Electric Company-1 (CAGELCO-1) matapos makuryente sa Barangay Santa Margarita, Baggao, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Reynen Pasion, 46, ng Barangay San Francisco sa nasabing bayan at CAGELCO-1.

Base sa report ni Baggao Police Station (BPS) P/Master Sgt. Raquel Tagudin, bago ang insidente, ang biktima ay umakyan sa poste ng kuryente na may electric transformer upang ayusin ito.

Sinabi ni Tagudin, habang nagkukumpuni, aksidenteng nahawakan ang live wire at dito nakuryente ang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara siyang dead-on-arrival ng mga doctor.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikidalamhati ang pamunuan ng CAGELCO-1 sa pagkamatay ng kanilang kasamahan maging sa iniwang pamilya ni Pasion at nagpasalamat sa serbisyong inialay ng biktima at nangakong magbibigay ng tulong pinansyal sa naulila nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?