67

Feb 5, 2018 @ 17:52
By

Napagtatalong si Tyronn kapit-tuko sa Cavaliers

Hindi pa mawawalan ng trabaho si coach Tyronn Lue, kung pagbabasehan ang sinasabi ng Cleveland Cavaliers officials.

Gumegewang ang dating maangas na Cavs, pero hindi sisibakin si Lue.

Unang ini-report ng ESPN na mananatili ang coach sa Cleveland.

“We’re not firing our head coach,” pahayag ng isang team official sa ESPN.com. nitong Sabado.

Stay put si Lue kahit 12 sa huling 18 laro ay naipatalo ng Cavs.

Kahit tinambakan sila ng Houston ng nakakahiyang 120-88 noong Sabado.

Kahit namigay sila ng franchise-record 148 points sa Oklahoma City noong Miyerkoles.

Kahit napapaulat na may isyu sa pagitan ng players.

Si Lue pa lang ang coach na nagbigay ng kampeonato sa Cavs. Nakasandal pa siya kay LeBron James.

“We’re not playing good ball,” wika ni James, ayon sa cleveland.com. “The lineups we have on the floor at times are not meshing together, not playing well together. That’s just the reality of it.”

Sa national television game, tinambakan ng Rockets ang Cavs. Ibig sabihin, napanood ng buong mundo ang talo.

Laglag sa 30-21 ang Cavs, pero kumakapit pa rin sila sa No. 3 sa East. Kalahating laro lang sila sa unahan ng Washington, 1.5 sa humahabol ding Indiana.

Pero mananatili sa puwesto si Lue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?