157
npa
Nov 3, 2017 @ 11:57

Napagod, nagutom: 8 NPA rebels sumuko

Sumuko sa militar ang walong mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion, sumuko ang mga ito kahapon ng umaga.

Isinurender din ng mga ito ang dalawang M16A1 assault rifles at dalawang malalaking improvised na bomba.

Sinabi ni Captain Rogelio Agustin Jr., commanding officer ng Charlie Company, 33rd Infantry Battalion, na dahil sa pagod at gutom sa pagpapatrolya sa kabundukan kaya’t nagdesisyon nang sumuko ang walong rebelde.

“They were very tired and hungry after months of evading our patrols in the forests. It is fortunate that they heard about the good stories about the other rebels who had surrendered to our unit in the past months,” sinabi ni Agustin.

Hanggang kahapon ay 60 miyembro na ng NPA ang sumuko sa Philippine Army. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?