64
Napagkamalang softdrinks: 7-anyos todas sa silver cleaner
May 3, 2019 @ 21:52
By

Napagkamalang softdrinks: 7-anyos todas sa silver cleaner

Patay matapos aksidenteng makainom ng silver cleaner ang isang 7-anyos na bata sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Makati City.

Ayon sa report sa 24 Oras, sinabi ng ama ng biktimang si Rain Mendoza, na maaaring galing sa labas ang bata at naghahanap ng maiinom kaya nakita nito ang bote ng softdrinks na may lamang silver cleaner na naiwan sa mesa.

Binawian ng buhay sa ospital makalipas ng ilang oras ang bata.

Nagbabala na noon ang Food and Drug Administration sa paggamit, pagbili at pagtatago ng silver cleaner dahil nagtataglay umano ito ng cyanide na puwedeng ikamatay kapag nainom o pumasok sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?