40

Jun 16, 2021 @ 14:29
By

Naoospital sa COVID sa NCR bumababa – PHAPI

Bumababa ang bilang ng naoospital dahil sa coronavirus disease sa National Capital Region (NCR), ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) nitong Miyerkoles.

“Ang mga hospitalization sa NCR ay medyo nabawasan, ang aming mga pribadong ospital ay medyo na-decongest,” lahad ni PHAPI President Dr. Rene Jose de Grano sa panayam sa TeleRadyo.

Karamihan aniya o 95% ng mga pasyente nila ay asymptomatic at mild, na karaniwang hindi na kino-confine sa ospital.

Nitong Miyerkoles ay iniulat din ng OCTA Research na patuloy na bumababa ang bilang ng mga bagong COVID-19 case sa NCR, na nag-a-average na ngayon sa 829 kaso kada araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?