129

Oct 15, 2019 @ 12:35

Na’nyo, lahat na lang ninakaw niyo! Hilbay nagpatama kay Marcos

Kasama ang dating ‘Otso Diretso’ senatorial bet na si Pilo Hilbay sa mga nag-aabang sa resulta ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa poll protest ni dating Senador Bongbong Marcos kontra kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Hilbay na kanyang suportado si Robedo bilang kanyang bilang bise presidente.

“I stand solidly with Leni Robredo. She’s not only my Vice President, she’s the Vice President of the Republic of the Philippines,” ayon kay Hilbay.

May pinatamaan pa si Hilbay tungkol sa katunggali ni Robredo sa poll protest, sinabing lahat na lang umano ay ninakaw nito.

Matatandaan na maraming isyu ang mga Marcos tungkol sa ill-gotten wealth noong nanunungkulan pa si dating diktador Ferdinand Marcos.

“Sa mga nang-aagaw, ‘nanyo, lahat na lang ninakaw nyo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?