50
arrested
Jul 8, 2018 @ 13:15
By

Nanood ng basketball, nangulimbat ng cellphone, tiklo

Tiklo ang isang lalaki na nagkunwaring nanonood ng liga ng basketball matapos na isa-isang pagnakawan ng cellphone ang mga manlalaro, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Kulungan ang bagsak ni Jordan Taguibao, 27-anyos, residente ng Barangay Barangka, matapos isagawa ang follow-up operation at nahuli bandang 5:00 kamakalawa ng hapon sa Barangay Barangka, Marikina City.

Batay sa report, kasalukuyang naglalaro ng basketball sa Gil Fernando St., ang mga biktima na sina Khalid Mohamad, 20-anyos at Luis Raquel, 16-anyos nang dumating sa basketball court ang suspek na may kasamang dalawang menor de edad na bata.

Nabatid na inutusan ng suspek ang dalawang bata na kunin ang cellphone sa pag- aakala ng mga bata na sa kanya ito at nang iabot ay agad na umalis ang suspek.

Habang naglalaro ay napansin ng isang biktima na kinuha ng bata ang kanyang cellphone kaya agad itong humingi ng time out at agad na kinompronta ang bata subalit naibigay s na ang cellphone sa suspek.

Nagtungo ang grupo ng mga players sa PCP 2 na kung saan ay inireport ang insidente at agad na nagsagawa ng follow-up operation para sa agarang pagdakip sa suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang unit ng Lenovo cell phone na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P10,000.00 na pag-aari ni Khalid at isang unit ng Cherry Mobile J3 cell phone na nagkakahalaga ng P4,099.00 na pag-aari naman ni Luis at nakuha pa sa kanyang posesyon ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong pagnanakaw at paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 o illegal drugs act. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?