183

Dec 12, 2019 @ 19:52
By

Nanloloko ng kliyente! Valenzuela Mayor Gatchalian nainis sa Toyota branch

Hindi na pinalagpas ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang palpak na serbisyo ng isang sangay ng Toyota.

Sa kanyang Twitter account, naglabas ng hinaing si Gatchalian tungkol sa 4th back job ng Toyota sa Mindanao Ave., Brgy. Ugong ng lungsod na kanyang nasasakupan.

Aniya, tiniis niya ang tatlong beses na pabalik-balik ang kanyang sasakyan sa Toyota Ugong pero ngayon ay magsasalita na siya bilang customer na naloko nito para huwag matulad sa sinapit niya ang ibang taga-Valenzuela.

Nang magbukas daw ang naturang branch ay naroon siya para mag-cut ng ribbon kung saan nangako sa kanya ang kompanya ng good at efficient service.

“Toyota Ugong’s services is just not good. Niloloko niyo na lang clients niyo. May ganun pala 4th back job… normal pa ba yun? Masubukan nga ang services ng Toyota Dalandanan…” panimula ni Gatchalian.

“Toyota Ugong, when you opened your branch i was there to cut the ribbon…you promised good, efficient service…4x na back job! Tiniis ko yung 1st na 3 pero now magsasalita na ako as a customer na naloko niyo. Para wag matulad sa akin ibang mga taga-Valenzuela. I guess wala na lang sila talagang pakialam sa clients nila… never ever will i go back to Toyota Ugong….this is the one sa Mindanao Ave. Valenzuela side,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?