417

Jul 4, 2019 @ 18:09
By

Nanlilimos! Cayetano puro kwento, walang boto – Atienza

MANILA – Puro kwento lang umano at walang pag-asa si Taguig-Pateros Cong. Alan Peter Cayetano na masungkit ang liderato ng Kamara ngayong Hulyo.

Ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, walang tsansang manalo at manlilimos lamang ng suporta si Cayetano sa kanyang balak na sungkitin ang pagka-Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung malinis ang labanan na hindi hahaluan ng siraan at batuhan ng putik.

“He doesn’t have the numbers. That’s the reality!” paliwanag ni Atienza.

Giit ni Atienza, kaya inungkat na naman ang isyu ng term-sharing sa pagka-Speaker ay ito lamang ang pag-asa ni Cayetano upang masungkit ang nasabing pwesto.

Inupakan din ni Atienza ang ilang miyembro ng gabinete lalo na sa economic cluster dahil sa umano’y pakikisawsaw sa usapin ng liderato ng Kamara at pagsusulong ng term-sharing pabor kay Cayetano.

Kabilang umano sa mga miyembro ng economic cluster na umeepal sa isyu ng speakership race ay sina Finance Sec. Carlos “Sonny” Dominguez III, Public Works Sec. Mark Villar at Transportation Sec. Arthur Tugade.

“Sec. Dominguez prominently mentioned… also Sec. Mark Villar, Sec. Tugade—they were the ones who are pushing for the revival of term-sharing which will benefit Cong. Cayetano,” saad ni Atienza.

Babala ni Atienza, hindi lamang imoral kung hindi posibleng labag din sa Saligang Batas ang tangkang pagmamaniobra ng mga nasabing kalihim upang ipilit si Cayetano.

“Hindi dapat ginagawa ‘yan… ‘wag kayo makialam. Ito ang info na nakakarating sa amin and we take this matter up seriously,” dagdag pa ng kongresista.

Una nang ibinuking ni Atienza na ilang mga kalihim ng Pangulo ay nagla-lobby para sa dating Foreign Affairs secretary upang makalusot ang mga umano’y “parked at hidden pork barrel” sa ilalim ng panukalang 2020 national budget na nakatakdang talakayin ng Kongreso sa darating na Agosto.

“I’m reading between the lines. Why is the cabinet hot around their collars they promote Cayetano when it is purely only congressmen should be involved it?” paliwanag ni Atienza.

Itinanggi naman ni Dominguez ang akusasyon ni Atienza.

“The Department of Finance (DOF) does not interfere with the internal affairs of the Legislative Branch. The DOF and attached bureaus and agencies have submitted only it’s budget request to the DBM for consolidation & approval of the President,” paliwanag ni Dominguez.

“It’s budget is one of the smaller Departments & certainly not does not contain any ‘insertions’, whatever that term means,” dagdag pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?