56

By

Nanguna sa Oplan Double Barrel, tinaasan ng ranggo

Sharing is caring!

Na-promote sa mas mataas na ranggo ang police official na nagsulong ng Oplan Double Barrel ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa inilabas na mga bagong appointments ng Malacañang, na-promote si Police Director Camilo Cascolan bilang Deputy Director General.

Kasalukuyang hepe ng PNP Civil Security Group ang opisyal.

Si Cascolan ay kabilang sa mga police officials na tinaasan ng ranggo ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliban kina Pol. Senior Superintendent Dennis Palo Agustin na ginawang Police chief Superintendent at Pol. Superintendents Rey Cuevas at Edgardo manolo Irriberi na ngayon ay pawang Police Senior Superintendents na.

Matatandaang maikling panahon lamang ang naging serbisyo ni Cascolan sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at agad inilipat sa Civil Security Group.

Ang iba pang tinaasan ng ranggo ni Duterte ay sina Vice-Admiral Joel Garcia at Rolando Legaspi ng Philippine Coast Guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?