43

Feb 28, 2020 @ 19:59
By

Nangmamaliit sa SMB walang alam sa basketball – Standhardinger

Ang pinakawalan ng San Miguel Beer, magiging kapaki-pakinabang sa NorthPort.

Unang nawala sa Beermen si Christian Standhardinger noong October, binigay sa Batang Pier kapalit ni Mo Tautuaa.

Pagkatapos ng season, binitawan ng SMB si Kelly Nabong at bumalik sa dati niyang team na NorthPort.

Parehong bigs, pam-bulldozer sa paint.

Nabalian ng paa si June Mar Fajardo sa kaagahan ng buwan, nawalan ng higante ang Beer.

Injured din ang slotman ng Meralco na si Raymond Almazan, at bakasyon ang 7-footer ng Ginebra na si Greg Slaughter, may tsansa sina Standhardinger at Nabong na dominahin ang loob.

Ipinagkibit-balikat lang ito ni Standhardinger.

“I’m just trying to play with my teammates,” pakli ng 6-foot-8 Fil-German. “Build chemistry, trying to work together to a common goal which is to compete out there and win as many games.”

Tingin nga ni Standhardinger ay dehado pa ang Batang Pier sa Philippine Cup na magbubukas sa 45th season sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Pito lang ang healthy bodies ng NorthPort, injured ang ilang main men nilang sina Robert Bolick, Kevin Ferrer, Bradwyn Guinto at Jonathan Grey – pare-parehong hindi pa agad makakasalang.

Kahit si Standhardinger ay nananakit pa ang katawan sa sagarang laro noong nakaraang conference. Si forward Sean Anthony, may calf injury din.

Hindi pa rin daw puwedeng ipagtulakan ang San Miguel kahit walang June Mar. Kabisado ni Standhardinger ang kalibre ng pinanggalingang team.

“Whoever’s counting out San Miguel now that June Mar is out doesn’t really know basketball,” giit niya. “They don’t know how much potential they have over there.”

Nariyan pa raw ang Ginebra, Magnolia at TNT.

“TNT’s gonna be my personal favorite when they get Poy Erram in the trade,” lahad ni C-Stand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?