97

Nanghina ang tuhod: Oladipo ini-stretcher palabas ng court

Ray Mark Patriarca

Bigla na lamang tumiklop ang tuhod at bumagsak sa sahig ang Indiana Pacers main man na si Victor Oladipo.

Sa kanilang laban kontra sa Toronto Raptors, naka-breakaway si Pascal Siakam para sana saluhin ang long pass sa second quarter.

Ngunit humabol si Oladipo, na naging dahilan ng paglupasay nito sa sahig.

Kaagad na dinalhan ng stretcher si Oladipo para madala sa dugout upang ma-assess ang injury.

Si Oladipo ang top scorer ng Indiana, kumakamada ng 19.2 points kada laro na posibleng mabakante para sa Pacers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?