10,757

By

Nanghihipo sa kasal: Balbas-saradong PBA player, bastos! – Mara Aquino

Agaw pansin ang naging pahayag ng TV host na si Mara Aquino sa dinaluhan niyang pag-iisang dibdib nina Nico Elorde at ang kanyang kasintahan na si Mich Del Carmen.

Ito ay matapos siyang mag-post sa kanyang Twitter account hinggil sa naging himutok nito sa kapuna-punang kilos ng isang sikat na basketball player.

@missMaraAquino: “Ang saya ng wedding kagabi!!! Yung lang meron dun may balbas na nanghihipo ng babae. Porket magaling sa court, bastos naman sa labas.”


Kuwestiyonable naman sa social media kung sino ang tinutukoy nito kung saan inulan ito ng iba’t-ibang haka-haka mula sa mga netizen.

@mjdec11: “Hmmmm Tautuua o Pringle top suspects”

@mabelicious1124: “Parang si Stanley Pringle?”

@JustDonDonIT: “Kasal ba Ni Nico elorde? Nandun si Pringle eh”

@ramram_18: “tautuaa or Stanley”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?