96

Nov 4, 2019 @ 19:48
By

Nanghihingi ng tulong sa mga motorista posibleng hindi biktima ng lindol – Zubiri, Tolentino

Hindi umano totoong may humanitarian crisis sa Cotabato sa gitna ng nilikhang pinsala ng serye ng malalakas na paglindol sa Mindanao nitong nagdaang linggo.

Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino kasunod ng mga ulat na ilang mga residente ng mga lugar na tinamaan ng lindol ang pumapara sa mga kalsada at nanghihingi ng tulong sa mga nagdadaang motorista.

“I was there the whole day (Sunday). What was shown was people with posters asking for food items along the Highway of Makilala are those who never went to evacuation center to register,” reaksiyon ni Tolentino.

Aniya, nakakarating naman umano ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin sa tanggapan ni North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.

“The regional DSWD is on top of the situation and Gov. Emmylou Taliño-Mendoza,” dagdag pa nito.

Paniwala naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng may nagsasamantala sa nangyaring kahit na hindi naman nasira ang kanilang tahanan bunsod ng malakas na lindol sa Mindanao.

“Hindi naman siguro crisis meron din pong mga taong nagsasamantala, ‘yan ang balita ko sa ground. Na di sila napinsala walang nangyari sa tahanan nila pero pumupunta sila sa highway at humihingi ng tulong,” ani Zubiri.

“The DSWD and OCD should look into this and kung kailangan talaga nila ng tulong ba’t di natin tulungan, kung may kagutuman sa kanilang lugar eh di tulungan natin. But at the same time let us not take advantage, ang apela natin ako po ay taga-Mindanao, ‘wag tayo mag-take advantage tulungan muna ang mga kababayan na nangangailangan,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?