178

Oct 20, 2017 @ 15:10

Nanghataw ng tabo sa mukha: Pulis, binawian ng tsapa

Agad binawi ang issued firearm, badge, police ID bago inilagay sa restricted custody ang pulis na nanakit ng isang 12-anyos na binatilyo sa Pasay City.

Sumuko si PO3 Ferdinand Dator kay Police Sr. Supt. Richard Saavedra sa Southern Police District (SPD) Headquarters nang malaman na pinaha-hunting na siya ng huli.

Nakatalaga si Dator sa SPD-Public Safety Company.

Iginiit ni SPD Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., hindi nila kukunsintihin ang mga pang-aabuso ng kanyang mga tauhan at aniya, seryosong paglabag sa PNP Code of Ethics ang ginawa ni Dator.

Binilinan pa nito ang mga magulang ng biktima na huwag magpapaareglo kay Dator at pangatawanan ang kanilang reklamo.

Magugunita na Martes ng gabi, nang dahil sa kalasingan ay binuhusan ng tubig at hinataw pa ng tabo sa mukha ni Dator ang napadaan lang na biktima.

Nabatid na lasing si Dator kaya’t pinatulan nito ang binatilyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?