96

Apr 17, 2020 @ 13:04
By

Nangangapa pa! Duque nag-sorry, aminadong nagkamali sa COVID-19

Humingi ng paumanhin si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa mga kakulangan nito sa pagresponde sa COVID-19 crisis na kinakaharap ng bansa.

Ito’y matapos na hilingin ng 14 na senador ang pagbibitiw nito bilang Health Secretary dahil umano sa failure of leadership, at lack of foresight sa paglutas sa pandemya.

“Ako na mismo ang aamin. Mayroon din akong mga pagkakamali at ako ay humihingi ako ng paumanhin kung ako ay nagkamali,” saad ni Duque sa panayam sa dzMM.

Paliwanag ni Duque, hindi lang naman Pilipinas ang nakakaranas ng problema dahil bagong sakit ang COVID-19.

“Pero sa problema kasi ng COVID-19, dahil komo bago ito, wala naman tayong past experience o karanasan kung paano ba tutugunan itong virus na ito. Pakapa-kapa pa rin ang buong mundo, hindi lang tayo,” aniya pa.

Nitong Huwebes ay hiniling ng mga senador ang pagbibitiw ni Duque, ngunit hindi sinunod ng Palasyo ang suhestiyon at nais pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Duque ang mamuno sa laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?