295

Oct 21, 2019 @ 21:43
By

Nanganganib sa Iran: Beauty queen nagpakupkop sa ‘Pinas

Nagpakanlong sa Pilipinas ang isang Iranian beauty queen na naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Oktubre 17.

Paliwanag ni Bahareh Zare Bahari, malalagay sa panganib ang buhay niya kung ipapa-deport siya pabalik ng Iran dahil sa paglabag niya sa tradition ng kanilang bansa na pagsali sa mga beauty pageant.

Rerebyuhin naman ng Department of Justice ang hiling ni Bahari na asylum.

Ang pagdakip kay Bahari sa NAIA ay bunsod ng red notice ng Interpol dahil sa kasong assault na inihain laban sa beauty queen ng kapwa niya Iranian na nangyari sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng BI sa NAIA si Bahari, na naging kinatawan ng Iran sa 2018 Miss Intercontinental Pageant na ginanap sa Manila noong Enero 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?