29

Oct 11, 2021 @ 15:12
By

Nanganak sa Pinas noong 2020 kumonti – POPCOM

Kahit pandemic at nasa tahanan lamang halos ang mga pamilya noong 2020, nakapagtala pa rin ang Commission on Population and Development (POPCOM) ng mas mababang bilang ng mga nanganak sa nasabing taon.

Batay sa datos ng POPCOM, 1,516,042 lamang ang mga naitalang panganganak noong 2020, na pinakamababa mula pa noong 1986, kung saan 1,493,995 ang nanganak sa bansa.

Mas mababa rin ito ng 157,881 kumpara sa naitala noong 2019.

Ayon kay Undersecretary for Population and Development (POPDEV) Juan Antonio Perez III, ang pagliit ng bilang ng mga nanganak ay marahil naging dulot ng mas kaunting bilang ng kinasal, at pagsasagawa ng modernong family planning method ng mga mag-asawa.

Bukod pa rito, batid na rin daw ng maraming kababaihan ang hirap na magkaanak lalo pa’t pandemya.

Inaasahan ni Perez na magpapatuloy hanggang sa dulo ng 2021 ang mas kakaunting bilang ng mga nanganganak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?