23

Oct 12, 2021 @ 16:49
By

Nangaliwang mister kalaboso ng 8 taon

Kulong ng hanggang walong taon ang isang lalaki matapos mambabae at ibinahay pa ang kabit niya.

Ibinasura ng Supreme Court Third Division ang petition for review na inihain ng akusado at pinagtibay ang naging desisyon ng Court of Appeals na guilty sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ayon sa ulat, isang korte rin sa Zambales ang napatunayang guilty ang hindi pinangalanang lalaki.

Bukod sa pagkakakulong ng hanggang walong taon, pinagbabayad din ang akusado ng P100,000 dahil sa idinulot na mental o emosyonal na pagdurusa, panlilibak sa publiko o kahihiyan sa babae o sa kanyang anak. Sasailalim din ang akusado sa psychiatric treatment.

Reklamo ng misis ng akusado, lasenggero ang huli at nambababae sa 23 taon nilang pagsasama.

Pinalayas din daw sila ng mga anak niya sa bahay nang mag-away sila.

Nagpaiwan ang tatlong anak niya sa poder ng kanilang ama ngunit kalaunan ay natuklasan na binabahay na ng mister ang babae niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?