35

May 5, 2021 @ 16:45
By

Nangalahati presyo! Forbes Park mansion ni Pacquiao, P1 billion ‘na lang’

Bagsak presyo ang bahay ni Senador Manny Pacquiao sa North Forbes Park sa Makati.

Sa online luxury marketplace na JamesEdition, nasa $21.5 million (P1.03B) ang presyo para sa kanyang mansyon.

Malayo ito sa dating asking price para sa parehong bahay, na noo’y pumalo sa P2 billion.

Sa ibang local agent naman sa German-based real estate platform na Lamudi, umaabot pa rin ang presyo ng naturang mansyon sa P2 billion hanggang P1.8 billion.

Ang naturang mansyon ay tatlong palapag na may limang kuwarto, swimming pool, at kasya ang 10 kotse sa garahe.

Mayroon din sariling entertainment room at conference room ang naturang mansyon ni Pacquiao.

Nabili ng senador ang naturang property noon pang 2011 sa isang banker na noo’y nagkakahalaga ng P388M.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?