292

By

Nang-harass sa Miss Earth pinagtanggol ng empleyado

Sharing is caring!

Itinanggi ng isang empleyado ni Amado Cruz ang mga batikos ng mga tao sa kanyang amo, sinasabing mahina at matanda na ang kanyang amo para gawin pa ang pambabastos.

Matatandaang pinangalanan ni Ms. Earth Guam Emma Mae Sheedy si Amado Cruz bilang nangharass sa kanila noong pageant.

Sa isang interview, sinabi ng empleyado na hindi ito magagawa ng amo niya.

Dagdag pa niya, “Kung nagawa man niya ‘yun, sana noon pa no’ng nagsimulang magkaroon ng Miss Earth dito.”

Matapos kumalat ang litrato sa social media, itinanggi naman ni Cruz ang mga alegasyon. Sa isang interview, sinabi niya na strictly professional ang kanyang trabaho bilang sponsor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?