105

By

Nang-agaw ng baril: Mall sa Mandaue hinoldap, 4 suspek patay

Patay ang apat na umano’y holdaper na sangkot sa panloloob at panlilimas ng alahas sa ilang stall sa JCenter mall sa Mandaue City matapos umanong tangkaing mang-agaw ng baril sa mga umarestong pulis sa Puambato Port, Bago City, Cebu, Sabado ng gabi.

Base sa inilabas na ulat ng Bago City Police Office, una nilang naispatan at inaresto ang pitong lalaki na pinaniniwalaang sangkot sa pangho-holdap sa JCenter mall pasado alas-8:00 ng gabi nitong Sabado kung saan hindi pa batid na halaga ng mga alahas ang nilimas ng mga suspek sa tatlong stall sa ground floor ng mall.

Ang pagdakip sa pitong suspek ayon pa sa ulat ng Bogo City Police Office ay base sa deskripsyong inilabas ng Mandaue City PNP hinggil sa mga suspek na holdaper na naispatan ng mga tauhan ng Bogo City police sa pantalan ng nasbaing lungsod.

Habang ibinibiyahe naman ang mga suspek ng mga lokal na operatiba, kasama ang mga tauhan ng Regional Special Operations Task Group sa Central Visayas (RSOTG-7), patungo sa Bogo City Police Station, ay tatlo umano sa kanila ang nang-agaw ng baril sa kanilang mga police escort, kaya’t napilitan ang mga awtoridad na barilin ang mga ito.

Naisugod pa ang tatlong nanlabang suspek sa provincial hospital ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Kinilala ang mga napaslang na sina Kevin Andales, Wilfredo Enguito, Philip Taborada, at Glen Tairos.

Pinangalanan ang mga naaresto na sina Roel Nano Sumingit, 35; Jun Batanguso Candelaria, 38,; Julivy Lumingkit Quirante, 43; Arnel Sumingit Cimafranca, 38; Kevin Plaza Andales, 25; Wilfredo Suerte Enguito, 47; at isang hindi pa kilalang lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?