129
Habang natutulog, konsehal binaril sa Negros Occidental
By

Nang-agaw ng baril: Killer ng mag-asawang senior citizen, itinumba

Mistulang hinatulan na ng parusang kamatayan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na walang awang pumatay sa mag-asawang senior citizen matapos na mang-agaw umano ng baril habang ibinabiyahe pabalik ng Camp Karingal, Miyerkoles ng gabi.

Batay sa inisyal na report kay Police Major Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, dakong alas-6:40 ng gabi nitong Miyerkoles ay inagaw ng suspek na si Carl Joseph Bananola, 37, residente ng No.9 Roxas St., TS Subd., Brgy. San Agustine, Novalichez, ang baril ni Staff Sgt. Alex Icban.

Ayon kay Monsalve, nasa Kalayaan Avenue at pabalik na sana umano sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal ang mga escort na pulis at si Bananola matapos isailalim sa inquest proceedings sa piskalya.

At habang nasa biyahe ay nakiusap umano ang suspek sa kaniyang police escort na luwagan ang kaniyang posas dahil masyado umanong mahigpit at dahil sa konsiderasyon ay pinagbigyan naman daw ng katabi nitong pulis sa mobile.

Subalit nang maluwagan ang posas ay bigla umanong raw nang-agaw ng baril ang suspek kaya napilitan ang isa pang pulis na barilin siya.

Nang duguan ang suspek ay Isinugod ito sa East Avenue Medical Center pero binawian din ng buhay. Iniimbestigahan naman kung nagkaroon ng iregularidad sa nangyaring insidente.

Nitong umaga ng MIyerkoles ay iniharap sa mga mamamayag nina NCRPO Director P/Major Gen. Guillermo Eleazar at QCPD Director P/Brig. General Joselito Esquivel Jr., si Bananola, na umaming siyang pumatay sa mag-asawang sina Nicolas Austria, 86, retiradong Engineer at misis nito na si Leonora, 87, retired goverment employee na residente ng No. 8 Diego Silang St., TS Cruz Subd., San Agustine, Novalichez, ng nasabing lungsod.

Ang mag-asawang senior citizen na walang awang pinagsasaksak at pinalo pa ng tubo ng suspek hanggang sa mapatay ay sinasabing in-laws ni Philippine Consul General Maria Andrelita Austria ng Vancouver.

Ayon kay Gen. Esquivel, nagkaroon ng magandang ‘lead’ ang kanyang mga tauhan na si Bananola ang siyang may kagagawan ng krimen matapos na makausap sa Capitol Medical Center ang sugatang katulong na si Editha Fernandez, 63, stay-in housemaid ng mag-asawang matanda, na siyang naging susi para makilala at madakip ang napatay na salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?