0
views

By

Nancy Sinatra Sr., pumanaw sa edad na 101

Sharing is caring!

Namatay na ang childhood sweetheart at unang asawa ni Frank Sinatra na si Nancy Sinatra Sr.

Si Nancy ang pinakauna sa apat na naging asawa ng American singer kung saan may tatlo silang anak.

Ang anak na babae ni Nancy na si Nancy Sinatra Jr., ang nag-tweet hinggil sa pagkamatay ng kanyang ina noong Biyernes dakong alas-6:02 ng gabi sa edad na 101.

Hindi nito binanggit sa tweet kung saan namatay ang kanyang nanay.

Tinawag si Nancy ng kanyang anak bilang “blessing and the light of my life.”

Ikinasal sina Frank at Nancy Sinatra sa New Jersey noong 1939 pero sa kaagahan ng 1950s ay ipinagpalit ng una ang misis niya kay Ava Gardner. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?