14

Jan 11, 2022 @ 11:48
By

Nancy sa mga LGU: Palugit sa bayaran ng real property tax, business permit palawigin

Umapela si Senador Nancy Binay sa mga local government unit (LGU) na pahabain ang palugit sa pagbabayad ng real property tax at business permit para maiwasan ang pagtitipon ng mga taxpayer sa gitna ng tumataas na kaso ng Omicron variant.

“Nananawagan po tayo sa ating mga local governments na kung maaari ay i-extend ang deadline ng pagbabayad ng real property tax at business permits, at bilang konsiderasyon, ‘wag na rin pong patawan ng mga penalty ang ating taxpayers,” sabi ni Binay.

Ayon sa senadora, dapat tularan ng LGUs sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar kung tumaas ang COVID cases, ang Manila city government na pinalawig ang pagbabayad ng business permit hanggang Marso 31.

“Given the current spike in COVID-19 cases, makakatulong po ang pag-extend ng deadlines para mabawasan ang movement ng mga tao,” ani Binay.

Ginawa ng mambabatas ang panawagan matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 33,169 bagong kaso ng coronavirus noong Lunes.

Hinimok din ni Binay ang LGUs na isulong ang digital payment option para hindi na umalis ng kanilang mga bahay ang mga tao para magbayad ng kanilang obligasyon.

“LGUs should definitely look at integrating electronic modes of payment in the collection of payment of taxes and fees,” sabi pa ni Binay.

“Mas convenient ito para sa kanilang mga constituents at makakatulong para maiwasan ang mahabang mga pila or pagtitipon lalo sa pagbabayad ng mga permits at pagsa-submit ng mga dokumento,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?