28

Aug 15, 2021 @ 13:50
By

Nancy sa LTFRB: Asan ang ayuda sa mga jeepney driver?

“Tinanggalan na ng pasada, pinagkaitan pa ng ayuda.”

Ito ang sinabi ni Senadora Nancy Binay kasabay ng pagkadismaya sa kakulangan ng gobyerno na seryosong madaliin ang pagpapatupad sa Service Contracting Program para sa mga public utility driver.

“Mahigit nang isang taong pinagkakaitan ng ayuda ang mga kapatid nating mga namamasada. The DOTr and the LTFRB are invisible, and have become the single-biggest job stranglers since the start of the pandemic,” sabi ni Binay.

“Bigyan naman sila kahit konting dignidad sana. Tinanggalan na ng pasada, pinagkaitan pa ng ayuda,” diin pa nito

Nauna nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB) sa paggamit lamang ng isang porsiyento (P59 milyon) sa P5.58 bilyong pondo na inilaan sa benefit program para sa mga PUV driver sa ilalim ng Service Contracting Program ng ahensiya.

Mahit 29,8000 driver o 49.79% o 60,000 targeted driver participants ang narehistro sa program noong 2020.

“Mahigit isang taon na but the distribution of much-needed cash assistance has hardly improved. Nakakadismaya at both the national and department levels na hanggang ngayon di pa rin priority ang ating jeepney at bus drivers,” ayon sa senadora.

“Wala na nga silang hanap-buhay sa kalsada, pahihirapan pa sila sa proseso ng pagkuha ng ayuda,” dagdag pa ni Binay.

Kabilang sa mga benepisaryo ng programa ay pamilya ng mga driver ng PUVs tulad ng Public Utility Jeepneys (PUJ), UV Express (UVE), Public Utility Buses (PUB), Point-to-Point Buses (P2P), Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), School Transport, at Motorcycle (MC) Taxis.

“Di katanggap-tanggap ang ginagawang panggigipit at pagpapabaya ng LTFRB. Yung P5.58 billion para sa Service Contracting Program, na dapat pantawid-gutom ng mga pamilya na nasa transport sector, would have helped thousands of families who struggle to make ends meet during these hard times,” ani Binay.

“If the DOTr and LTFRB have their hearts in the right place, di nila matitiis na makita ang mga jeepney driver na nagmamalimos sa kalsada,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?