34

Oct 7, 2021 @ 16:10
By

Nancy sa DepEd: Pagbakuna sa mga guro itodo na

Hinimok ni Senadora Nancy Binay ang Department of Education (DepEd) na itodo na ang pagbabakuna sa mga guro at abutin ang 100% target rate bilang paghahanda sa pilot test ng face-to-face classes.

“Sa tingin ko dapat gawing accessible sa mga guro at school personnel ang bakuna, at mabakunahan ang lahat ng ating mga guro. DepEd should target a full vaccination coverage ASAP–not 30%, not 50%, but 100%,” sabi ni Binay.

Nababagala si Binay kasunod ng pahayag ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na 30% pa lang mga guro ang nababakunahan sa kaslaukuyan.

“DepEd has to find ways for teachers to have full access to available vaccines. I don’t understand why they are not as persistent as the transport or tourism sector given the fact that teachers are considered part of the essential workforce,” ani Binay.

“’Di ba sila bothered na may probability na ‘yung magtuturo sa mga bata ay hindi bakunado?” dagdag pa nito

Mungkahi ng senadora, dapat magkaroon ng special vaccination program para sa mga guro katulad ng ginawa sa mga manggagawa ng transport at tourism industry.

“Paano natin sisimulan ‘yung (vaccination ng) mga estudyante kung ‘yung teacher mismo hindi bakunado? The concern here is baka ‘yung teachers natin they are not getting access to vaccination and feeling ko baka it’s not hesitation but more of access to vaccine,” sabi ni Binay.

“Baka kailangan natin magkaroon ng event where DepEd would gather our teachers tapos babakunahan sila sa school. Which is kagaya ng ginagawa sa ibang industries like the transport and tourism industries. Why can’t we have something like that for our teachers,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni DepEd, magsisimula ang pilot test ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?