181

Apr 30, 2019 @ 19:57
By

Nancy natatakot sa buhay ni Junjun

Mula pa umano noong nakaraang taon ay nakakatanggap na ng mga death threat ang utol niyang si Junjun Binay, ayon kay Senadora Nancy.

Sa panayam sa senadora sa ANC, sinabi nitong hindi maaaring saktan ng kapatid din nilang si Makati Mayor Abigail Binay si Junjun pero kaya itong gawin ng mga nakapaligid sa alkalde.

“Natatakot ako for him, baka saktan nila si Junjun pag nag-away. Because alam ko ‘yung kapatid ko hindi niya kaya pero yung mga nakapaligid sa kanya kaya,” ani Nancy.

Tumatakbo si Junjun sa pagka-alkalde sa Makati laban sa kapatid na si Abigail.

Kamakailan kumalat online ang video ng pagtatalo ng magkapatid sa isinagawang election forum sa pangunguna ng Pastoral Council for Responsible Voting sa San Ildefonso Parish.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?